Biyernes, Agosto 26, 2011

May silbi pa ba ang pagsusulat ? (to be submitted)

Ang pagsusulat ay isang uri ng sining na kung saan ito ay ginagamitan ng papel at panulat upang magawa. Maraming tao ang marunong magsulat, kung tutuusin nga para sa ibang tao, matuto ka lang magbasa at sumulat ay ayos na sa kanilang hindi na magtapos ng pagaaral. Nakakaawa ngunit ito ang katotohanan, malaking bagay na sa kanila ang matutong sumulat at bumasa.</div>
<div class="msonormal">

Kung pagsusulat lang ang paguusapan, magaling tayo jan. Maraming Pilipino na ang&nbsp; naging sikat dahil sa pagsusulat ng kung ano-anong bagay tulad ng tula, maikling kwento o kahit kanta,

Sa simula palang ng ating kasaysayan, marunong na ang mga taong magsulat, dahil naisulat nila ang mga nangyayari sa kanilang buhay noong kapanahunan nila.

Eh ang problema, iba na ang panahon ngayon. Meron na tayong ipod, ipad, laptop at kung ano ano pang pwedeng mapagkaabalahan ang mga kabataan. Kahit nga ang pagsusulat sa kanilang notebook ay tinatamad na sila, pagsulat pa kaya ng tula?

Sa pagsusulat naman ng mga pang retorikang gawain, kung hindi mo pa utusan ang mga estudyante ay hindi nila ito gagawin. At kung uutusan mo lang silang gumawa ng reflection paper ay duon lang sila makakaisip na magsulat.&nbsp; kahit nga pagbabasa ng editorial sa dyaryo, halos malaking effort na para sa kanila.

Iba na tayo ngayon, marami nang nangyari.. Kung iisipin, napakalaki ng silbi at pakinabang ng pagsusulat. Isa tong simpleng paraan upang ipahiwatig sa lahat ng taong marunong magbasa at makinig ang kailangan nilang malaman. Tulad ng ginagawa ko. Nilagyan ko ng titulong "pangising sa mga natutulog na kaluluwa" ang title ng blog site ko, kasi, gusto kong gisingin ang diwa ng mga taong natutulog nalang at hindi nakikialam.

Wala tayong mapupuntahan kung hindi tayo tutulungan ng pagsusulat, kaya, bilang isang taong marunong magsulat ng website ng blogger, alam ko, na kaya mo ring magsulat at ipahatid ang nararamdaman mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento