Biyernes, Agosto 12, 2011

PISO {(not for submission)

Naglalakad lakad sila,
iniiwasan, kinatatakutan, at kabiglabigla
minsan sila ay nasa iyong harapan o likudan,
pag di mo sila nakita'y baka sa nasa iyong tagiliran.

Kuya Piso! Piso lang! Pahingi,
si kuya ay mistulang bingi,
Walang makain, walang tirahan,
sa isang lugar lang mahahanap, sa lansangan.

Kung umasta ay akala mo mga siga,
kung ikaw ay hihina hina, ika'y mababanga
ngunit sila lang ba ang dapat sisihin?
dahil hindi nila narating ang narating natin?

Maaawa ka sa una mong tingin,
mga batang paslit at matatandang ulyanin,
ganito ba talaga ang ating lipunan?
kahit saan, ay may makikita kang nasasaktan.

Sana'y tulungan sila ng nasa itaas,
na mawala ang sakit na kanilang dinadanas,
at sa mga taong kanilang kinakasalamuha,
sana naman ay bigyan nyo ng kahit konting awa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento