Sabado, Hulyo 30, 2011

[not for submission]What is a True Leader?(Pinuno Ka Ba Talaga!?)

sometimes, we thought that being a leader is the best way to get famous and be recognized, others thought that it was a opportunity to make money, others, to acquire love.

Sa panahon ngayon, ang pagiging pinuno ay isa nang puhunan, isang malaking sugal para sa ibang tao na kung saan sila ay magbubuwis ng libo-libong salapi upang makapunta lamang sa inaasam nilang mga trono. O ano? tinamaan ka? wag kang mag-alala, hindi lang ikaw, marami kayo. Sabi ng aking kilalang kura-paroko ng aming simbahan habang siya ay nakikipag-usap sa mga kabataan: "Napakaganda ng Pulitika". Mayroon siyang sariling dahilan at ito ay tama naman. Pinilit ko ang sarili ko na hanapin ung "maganda" sa pulitika, at isa lang ang nakita ko, depende pa sa tao: "ang pagtulong sa kapwa".

Hindi ko talaga maiintindihan ang dahilan ng ibang tao upang man-lamang ng iba. Masaya ang buhay kung lahat pantay pantay at hindi iniisip ang kanilang kaibahan sa ibang tao. Ung isa nga dyan, minamaliit ang pagiging bayani ng ating mga guro, eh di ba guro ka din?! hindi dahil sa nasa posisyon ka ay malaya ka ng makakapang husga ng ibang tao, tandaan mo, hindi ka niluklok ng mga mamamayan upang sila ay maliitin mo lang, pagsilbihan ka nila o gawin mo silang alipin, nilagay ka nila dyan kasi nagtiwala sila sayo at dapat ay tumbasan mo iyon ng pagseserbisyo. Ang sabi nga ni P-Noy sa kanyang SONA "Ang aking Mga Boss".

Siguro nag-eenjoy sila kapag sila ang nasa trono, yun bang parang naglalaro ng Langit-Lupa, na kapag ikaw ay nasa mataas, hindi ka matataya. Pero tandaan natin na sa larong yon ay kailangan mong bumaba, kung hindi, ikaw na ang magiging taya.

Isa sa mga nakikita kong dahilan kung bakit nag-eenjoy sila ay ang nakukuha nilang............ PERA!!!! woohoo.... kapag nakakarinig sila ng salitang PERA ay parang bumukas ang kalangitan at bumaba ang mga anghel(anghel nga ba? bakit may mga buntot?). Syempre naman, kapag may pera ka ay makakabili ka ng HP touchscreen computer, makakapagbayad ka sa dorm mo, makakapag date kayo ng girlfriend mo at higit sa lahat pati tao kayang bilhin ng nasa bulsa mo. Sabi ng iba pera daw ang nagpapaikot sa mundo, totoo, pero hindi nila sinabing pera lang ang nagpapaikot sa mundo. Ang pera, wala yan! nandyan yan ngayon, mamaya wala na! Ang tao parin ang nagpapaikot sa mundo at sya ang magiging bahala sa kanyang magiging buhay kahit wala syang pera.

Try kaya natin na wag mag pasweldo sa mga opisyales.....may tatakbo pa kaya? o tayo ang magsasarilihan na?

Ang totoong pinuno ay hindi sa pera tumitingin, kundi sa pangangailangan ng kanyang nasasakupan. Tulad ng isang 3 years old na bata, bigyan mo ng P1,000 pesos at itatapon yan, pero bigyan mo ng piso at kukunin yan sabay takbo sa tindahan. Minsan talaga, mas tama parin ang mga ugali ng mga bata. Kung bigyan ka ba ng trabaho bilang presidente sa isa sa mga malalaking organisasyon ng iyong paaralan at ikaw pa ay laging binabatikos o kinokontra ng ibang matataas na tao at nang kung walang bayad at walang awards, kukunin mo kaya? Sabi nung iba jan, "Dae Nalang, Mapagalon Daw"(Wag nalang, Nakakapagod Kaya).

Mahirap maging pinuno, maraming gawain, maraming tao na kailangan mo subaybayan at higit sa lahat, pagod ka na nga, wala pang makakaintindi sayo kung may butas silang makita sa ginawa mo.Eh bakit ka naman kasi gumagawa ng butas, pwede mo naman gamitan ng Marine Epoxy, mura lang P65 lang meron na at mukha nang bago ang iyong ginagawa, kaso nga lang, Halata. Kapag gumagawa ang isang mahusay at tapat na pinuno, hindi nya kailangang mangamba, kasi kahit gumamit pa sila nga Hobble telescope ay wala silang makikitang butas. Golden rule sa pagiging pinuno ang maging tapat ka sa mga myembro mo at sa mga taong nagtiwala sayo.

"i am the valedictorian of our class", "i am the SSG president of our school", "i am the most cutest guy of our school", " i am the SK chairman of our barangay". Ilan lang ang mga ito sa mga sinasabi ng ibang mga estudyante kapag sila ay kumakampanya sa eleksyon lalo na kapag maraming tao.... para saan? syempre! para naman sumikat at malaman ng iba na matalino o gwapo sila. Pero kailangan ba talagang malaman ng mga taong nakikinig kung sino o ano ang nasa harapan nila? Hindi kailan man nagiging sukatan ang iyong mga naabot sa buhay sa pakikitungo mo sa ibang tao. Kahit na ikaw pa ang pinaka batang presidente ng Miliminas este ng Pilipinas kung masama naman ang ugali mo at wala kang respeto sa ibang tao, tiyak sa kangkungan ang punta mo. My second golden rule: Be Humble!

Kung magsisilbi sana tayo, wag na tayong maghintay ng kapalit, lalong lalo na ang KUMUHA NG KAPALIT! may nakilala ako MATAGAL NG PANAHON ang nakalipas, gumagawa siya ng paraan upang sikretong makakuha sa pondo ng kanilang samahan, pero still, gumamit yata sya ng mahal na Epoxy para hindi masyadong halata ang kanyang ginawa. Sana mabasa mo itong blog ko, at TAMAAN KA! bang!!! bang!!! bang!!! haha... Sabi ko nga kanina hindi pera ang nagpapaikot sa mundo, kundi ang mga tao. Magsilbi ka ng bukal sa iyong puso, ang tunay na leader nagsisilbi, hindi nagpapasilbi! Kailangan lang nilang humingi minsan ng tulong pero ang konting bagay na binigay mo sa isang leader ay malaki na para sa kanya. My third golden rule: Know your Priorities and Serve it!"

Napakaingay ng buhay ng isang pinuno. Pero para sa isang tunay na Pinuno, isa lamang itong chorus sa kanta na nagpapaganda sa trabaho nya. Sana maging maayos na ang pamumuno ng mga taong aking gustong patamaan, aksidenteng natamaan at gustong matamaan para naman makatulog sila ng mahimbing at tahimik. Sya nga pala, hindi ko sinasabing isa ankong mahusay na pinuno, pero gagawin ko ang lahat para hindi maging katulad ng mga nabangit ko.


Maging masaya tayo, pero wag tayong makuntento sa bulok na systema  ng ibang tao kasi kahit takpan pa natin yan o kumuha pa sila ng malaking panakip jan, sisingaw at sisingaw parin yan, na kahit isa lang ang makaamoy, still, sumingaw parin...



:D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento