Miyerkules, Oktubre 26, 2011

REHAB(NALS)


Nabuhay ako na tumutulong sa maraming tao, bata pa lamang kasi ay pinalaki na akong mapag kawang gawa. Ang aking Ina ay simpleng may bahay at ang aking ama ay CEO ng isang malaking kumpanya, ngunit kahit na maganda ang aming estado sa buhay ay tinuruan nila kaming panatilihin an gaming paa sa lupa. Isa akong volunteer sa isang rehabilitation center na para sa mga taong gustong magbago ang buhay.
Christina: oh ano,  kamusta ang thesis mo? Si Father nagtext sa akin kanina, kailangan na daw yo’n by Monday.
Michelle: Oo na, malapit ko ng matapos.
                (May Biglang inggay sa labas na parang nagkakagulo)
Christina: Kuya Don, ano ba yan? Natutulog na ang mga tao dito sa lood ah.
Don: Ah pasensya na po Ma’m, May bagong dating po kasi,  binatilyong adikm na kung hindi pa kami tinulungan ng mga tanod sa kanila ay hindi madadala dito.
Cristina: Paki pasok nalang po dito sa loob at kami nalang ni Michelle ang bahalang mag-interview sa kanya. Mich, kunin mo na ung folders and files na kailangang ma fill up para sa records.
Mich: sure ma’m.
(papasok ang isang matipunong lalaki)
Christina:  oh anong pangalan mo?
Hunter: ikaw miss anong pangalan mo?
Christina: Ako si Christina, ikaw? Dalian mo at mag aala singko na.
Hunter: Hunter.
Chris: san ka nakatira?
Hunter: sa puso mo.
Chris: Mich, Ikaw na nga bahala dito,
Hunter: wait wait. Ikaw ang gusto kong maginterview sa’kin
Chris: Maybe some other time.
(natapos na ang interview ni Hunter kaya dinala na ito sa kwarto nya)
Chris: kamusta kuya don ang baguhan? Tahimik naman ba kagabi?
Don: ayos lang, tahimik naman, buti nga at walang gulo na nangyari kumpara sa ibang
(may kaguluhan sa mess hall,si hunter, naka tayo sa gitna si Hunter na balak makipag suntukan sa kapwa nya inmate)
Christina: Subukan mo! At makikita mo ang hinahanap mo.
Hunter: ayon! Dumating ka rin, kung hindi pa ako gumawa ng eksena dito hindi ka pa lalabas.
Christina: ano ba ang problema mo?
Hunter: Wala, gusto lang kitang Makita.
DoN: magsi balik na kayo sa mga kwarto nyo.
(lalapitan ni Hunter si Christina)
Hunter: ayaw ko pang bumalik
Christina: sige, siguro kailangan mo ng simpleng kausap ngayon, mahirap mag adjust dito sa loob. Halika, samahan mo ako sa garden.
(sa garden)
Chris: Bakit ka ba napunta dito?
Hunter: sa totoo lang, hindi ko alam.
Chris: Based on the reports nag ddrugs ka daw?
Hunter: oo, pero hindi dahilan yon para itakwil ako ng mga magulang ko. Ung sa kanila malaking kasalanan yon, para sa akin, mas malaking kasalanan ang itakwil ang sariling anak.
Chris: hindi ka kaya nila tinakwil, kaya ka nga dinala dito para magbago ka, kasi mahal ka nila.
Hunter: Kung alam mo lang.(aalis)
(nagging madalas ang pag-uusap ng dalawa, di nagtagal, nagging mabuting magkaibigan nagkkwentuhan, nagbibigayan ng inspirasyon at kwento sa buhay buhay)
Chris: Tignan mo oh, eto yung litrato mo nung unang dating mo dito, mukha ka taagang adik! Haha.
Hunter: haha, alam ko.. pero mas gwapo ako ngayon diba.
Chris: Huling buwan mo na dito, ang bilis ng panahon ano. Sya nga pala, may sulat na dumating para sayo kanina. Galing sa magulang mo.
Hunter: akin na, salamat, sige, punta na ako sa kwarto ko.
Chris: sandali, Masaya ako na na nakasama kita, nag ging mabuti kang kaibigan kahit minsan kalog, pero salamat sa lahat, kung hindi dahil sayo hindi ko ma rrealize na pwede palang maging magkaibigan ang tulad mo at tulad ko. Masaya ako na nakilala kita.
Hunter: ako din, pasensya na kung noong una pinagttripan kita, pero pinag pasensyahan mo ako. Salamat ha. Binago mo ako, maraming mga taong galit sa akin at walang tiwala, pero ikaw, binigya mo ulit ng pag-asa ang buhay ko. (kiss sa Noo) salamat ha.
Chris: (teary Eyed) hha, kaw talaga, halika nga dito! (hug) yan, basahin mo na yang sulat, dito lang ako sa lamesa ko. Salamat ulit ha.
Hunter: sige, babalik din ako agad, sya nga pala, kahit na anong mangyari, wag mo akong kakalimutan ha?
Chris: haha. Oo naman! Kaw pa.
(makalipas ang tatlong oras, wala parin si Hunter)
Chris: tanghali na ah, bakit wala pa si Hunter?
Mich: Uyy, worried sya.
Chris: Syempre naman! Wer’e friends you know
Mich: Sandali nga, tignan ko sa kwarto nya.
Chris: dalian mo lang, sayang  pagkain mo.
(pupunta si mich sa quarters)
Mich: aghhhH!!!!!! Oh my God!! Chris! Kuya Don!! aghhHH!!

Chris: Mich! Bakit? Kuya Don, tara!

Nagpunta sila sa quarters, habang naglalakad, may malamig na hanggin na dumapo sa mukha ni Chris, habang papasok sa kwarto ni Hunter, lumalakas ang tibok ng puso ni Chris. Hawak ni Hunter ang sulat galing sa mga magulang nito na nagsasabing tinatakwil na siya at wala na syang babalikan. Ang kaibigan nya, ang nagbigay ng bagong inspirasyon sa kanya, ang laging nakikinig kapag may problema s, ang nagbigay ng tulong na makinig kapag may problema, Patay na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento