WARNING:contain words which are not appropriate sa mga taong makikitid ang utak, ihanda ang imahinasyon,,,salamat!
Isang
typical na binata si Ezekiel, nag-aaral sa isang pribadong eskwelahan
sa probinsya ng Quezon, matalino si Ezekiel, simula unang baitang ay
lagi siyang 1st honor o kung hindi naman ay pangalawa. Ngayon ay nasa
unang taon na siya sa secondarya.
Lumipat sila sa Makati dahil
doon na nagtrabaho ang kaniyang magulang. Dahil narin sa naging mabuting
magkakaibigan sila ng kaniyang mga kaklase noong elementarya, hindi
parin nawala ang kanilang komunikasyon sa bawat isa, lalo na sa isang
kaklase niya na si Joan.
Napunta siya sa isang eskwelahan na
malaki ang kaibahan sa dati nyang pinag-aralan. Sa eskwelahan ng Don
Juan Memorial High school, maraming mga estudyante, magulo, maingay, sa
madaling salita: walang kaayusan. Napakagulo ng lugar na yon, halos kada
oras ay sumisigaw ang kanilang guro. Hindi sanay si Ezekiel sa ganitong
sitwasyon, ngunit wala siyang magagawa.
Mrs. Torres: Class, apat
na buwan na tayong magkakasama, pero wala parin akong nakitang may
potential sainyong umasenso, halos lahat kayo ay tila mga pabaya sa
buhay.
Ryan: grabe ka naman Ma’m, akala mo naman sa amin.
MRs. Torres: Ryan, kahit ikaw na pinaka matalino sainyong lugar, bumababa na ang grado.
Ryan: then Ma’m I would like to suggest, paano kya kung igroup mo kami? For four years, kami kami magkakasama.
Mrs. Torres: Sure! Pero kahit buhay ko ang kapalit, wala man lang sainyo ang makakakuha ng 90 pataas!
Napunta
si Ezekiel sa grupo nila Ryan, Nathan, Nina at Claire. Naging matalik
silang magkakaibigan. Sa tawanan, iyakan at pati away, pero nanatili
silang matatag para makapasa sila. Naging magkasintahan si Ryan at si
Claire, samantalang naging si Ezekiel naman at Nina. Mas lalo silang
naguing interesado sa kanilang pagaaral.
Dumating na ang araw ng
kanilang pagtatapos pero simula unang taon ay ang pinaka mataas nilang
nakuha ay 89 lang. Malungkot ang magkakaibigan dahil lahat silang
magkakaklase ay hindi man lang natalo ang kanilang guro.
Palabas na sila ng Faculty ng:
Claire: Tropapips! May good news ako!
Nina: Ano yon?
Claire: 93 tayong lima sa English!
Ezekiel: talaga? Yes! Haha.. natalo din natin si Ma’m.
Ryan: oo nga. Ang yabang nya akala nya dahil public school tayo eh wala na tayong magagawa sa grades natin.
Nathan: Hayaan nyo na si Ma’m. At least Masaya tayong ggraduate!
Dumating
ang araw ng graduation nila, masayang masaya ang batch 2005. Isa isa
silang tinawag sa taas ng stage para kunin ang diplomang apat na taon
nilang pinaghirapan.
Si Claire ang Valedictorian habang si Ezekiel
naman ay Salutatorian at ang iba nilang barkada ay mga honorable
mentions. Magbibigay na ng speech si Claire. Bilang tradisyon sa DJMHS
ay bubuksan ni Claire ang isang malaking kahon na gawa sa kahoy gamit
ang susing ibinigay sa kanya, 4 na linggo bago ang graduation.
Pinihit
ni Claire ang susi sa malaking kandado at binuksan, malakas ang
palakpakan ng mga tao. Masaya ang lahat ng biglang umalingasaw ang
napaka lansang amoy. Pagbukas ni Claire sa Pinto ay nahulog ang walang
buhay na katawan ng kanilang Guro na si Mrs. Torres at apat pang mga
estudyante nito na pawang mga hindi makakapagtapos.
Si Mrs.
Torres, basag ang bungo, labas ang isang nangingitim na mata, nakatahi
ang bibig at ang mga kamay nito ay nakatahi sa nakalabas na puso na
parang inaalay kay Claire nang ito ay matumba. Ang apat namang
estudyante ang nakatahi ang mga mata at bibig, labas ang utak na para
ding inaalay kay Claire.
Ang togang suot suot ni Claire ay puro
bahid na ng dugo. Hindi siya makagalaw, nawalan si Claire ng malay.
Nagkagulo sa eskwelahan sa sobrang takot ng mga magulang lalo na ng mga
estudyante. Maging ang mga guro ay hindi makagalaw sa sobrang takot.
Natapos ang gabing iyon na puno ng takot at pagtataka.
Inimbistigahan
ng mga Pulis si Claire dahil tanging siya lang ang may hawak ng susi.
Ngunit dahil sa menor de edad si Claire ay napaka baba ng chance na siya
ang may gawa ng krimen. Umuwi na ang mga estudyante, magulong magulo sa
eskwelahan at tanging mga iilang tao nalang ang natira kasama ang mga
pulis.
Pag uwi ni Claire, hindi parin siya makatulog,
alalang-alala ang mga magulang nya sa kanya, sinamahan muna siya ni
Nina. Sinubukan siyang tawagan ng kanyang mga kaibigan pero patay ang
kanyang cellphone. Natulog nalang siya pagdating sa kanilang bahay.
Nagising si Claire ng alas-tres ng madaling araw, umiiyak parin sya. Tinangal nya ang kumot na nakatakip sa kanyang mga mata.
Nagulat
siya, hindi makagalaw, may mga kamay na nakapigil sa kanyang mga paa at
kamay nakita nya ang mga kaklase nyang namatay, nakatingin sa kanya
ngunit nakatahi ang mga mata, sa ibabaw nya ay si Mrs. Torres, duguan,
nakabitin ang mata na halos tumama sa mukha ni Claire. Hindi na
napigilan ni Claire, Sumigaw siya, napakalakas na parang gusto nyang
ilabas ang kanyang lalamunan, NAHULOG SI MRS. TORRES SA KANYA, LUMABAS
ANG MARAMING DUGO MULA SA BIBIG NITO AT ANG MATA NITO ANG tumakip sa
bibig upang pigilan SA PAGSIGAW NI CLAIRE.
Biglang nagising si
Claire dahil sa sinag ng araw na nasa tabi si Nina, gising at parang
hindi pa natutulog, Panaghinip lang pala, pero parang totoo.
Nagkita
kita ang magbabarkada pagkatapos ng isang buwan, alalang alala ang
barkada kay Claire, pinakita nila ang kanilang pagaalala sa kanya lalo
na si Ezekiel. Ayos lang iyon kay Ryan dahil kaibigan nya naman si
Ezekiel, nagdecide silang magkakaibigan na magenroll sa isang
Unibersidad sa Maynila.
Nagtake ng Engineering si Ryan at Ezekiel,
si Nathan naman nagtake ng Medicine. Ang dalawa nilang kabarkadang
babae ay kapwa nag take ng nursing.
Nakakalimot na din sila sa mga
nangyari noong high school sila, isa nalang itong masamang panaghinip
na hindi na ulit mangyayari.
Isang gabi, umuulan sa Maynila,
pumunta si Ryan sa parking lot para kunin ang kotse nya, masaya sya
dahil nakakuha siya ng mataas na grade sa research niya tungkol sa
makabagong technology.
Ryan: siguradong magiging topnotcher ako kay Sir! Hahaha...(tutunog bigla ang Cellphone nya)
Ryan: O, Zeke, kamusta? Nakauwi ka na ba? Grabe ang lakas ng ulan ano?
Ezekiel: oo nga, kanina pa ako nakauwi pare. Naglalaro ako ngayon ng Ragnarok, online ang mga kaguild natin eh.
Ryan: sige pare tatawag nalang ako mamaya sayo pag nakapag online na ako.
Ezekiel: Sige
Biglang
nakaramdam ng kilabot si Ryan, parang may kung anong elemento ang nasa
kotse nya, binuksan nya ang makina ng kanyang kotse para makaalis na sa
lugar na yon. Kinilabutan siya, may kamay na unti unting humahawak sa
kanyang batok, humihinga ng malamig na hangin ang bibig na malapit sa
leeg ni Ryan, gusto nyang lumabas ng kotse, sa sobrang talim ng kuko ng
humahawak sa kanya ay parang nahihiwa ang kanyang leeg...
RYAN: Agghhhhhhhhhhhhhh!!!!
Claire: Hon! Ano ka ba? Ako lang to!
Ryan: grabe ka naman kasi, akala ko kung ano na!
Claire: Sorry hon
Ryan: Wag mo nang uulitin yon!
Claire: hindi na, promise!
Maraming
naging kaibigan ang bawat isang myembro ng kanilang barkada, si Nathan
ang pinaka marami dahil sya ang pinaka friendly sa lahat. Mahilig si
Nathan sa mga occult stories kaya niyaya niya ang kanyang dating barkada
na samahan siya sa isang occult store sa Mandaluyong. Kasama nila si
Kristine, Rosemary, Anton, Pauline at Caloy, mga bago nilang kaibigan.
Lahat sila ay mababait at maaasahan, kaya madali silang naging malapit
sa barkada. Isa lang ang problema, hindi nila kasundo si Claire.
Sa
occult shop.... isang lumang bahay na puno ng sapot ng gagamba,
maraming itim na kandilang nakasindi, mga bungo na parang totoo, at
isang matandang babaeng nakakulay pula.
Claire: EEww! Creepy naman dito!
Pauline: ang Arte mo naman! Mas bagay ka nga dito..
(tawanan ang lahat)
Ezekiel:(natatawa parin) oi oi, tama na yan..haha
Nina: ale, pwede magtanong?
Tindera:
alam ko na ang kailangan nyo. Hinahanap nyo ung curse formula pati
narin ung spell para magpagalaw ng inanimate objects.
Ezekiel: oo, yun nga po!
(may biglang mababasag)
Rose :oh my gosh, sorry! D ko po sinasadya! Babayaran ko nalang.
Tindera:
Miss! Walang katumbas na halaga ang bagay na nabasag mo! Yan ang upuan
ni Robert The doll, isang sikat na manika sa ibang bansa, lahat
kinakatakutan ang manikang yon.
Rose: i don’t care manang, kala ko
pa naman mamahalin, oh eto ang 2 thousand, pang bayad ko sa upuan mo, i
parenovate mo na din tong tindahan mo.
Ezekiel: ah, manang, nasaan na po?
Tindera: eto na, singkwenta lahat yan. Ayusin nyo nalang ang pag gamit.
Caloy: ui! Eto ung board na nasa TV diba? Ung Oija? Ale, magkano to?
Tindera: 750php, luma na yan, pero gumagana pa, antique yan.
Caloy: Sige kunin ko.
Umalis
ang magbabarkada sa tindahan at pumunta sa lumang bahay nila Kristine,
susubukan nila ang mga nabiling gamit sa Occult shop, syempre,
nangunguna na dito si Nathan, na kahit isang estudyante ng medisina ay
naniniwala parin sa ganitong uri ng science. Binuhos ni Nathan ang
likido sa mukha ng manika na gagamitin nila, dinasal ang nasa papel pero
wala paring nangyari.
Ezekiel: Pare, alam mo, may nabasa ako sa internet, icurse kaya natin yung manika taz tawag tayo ng spirit?
Nathan: oo pwede yon, kaso much dangerous.
Pauline:
dangerous? Weh? Hindi nga kami naniniwala sainyo. Sige na para matapos
na to para mapatunayan nyo na wala namang ikakaasenso ginagawa nyo.
Anton: oo nga, para makauwi na din tong si Nina, kanina pa takot na takot eh.
Ginawa ng magkakaibigan ang naisip nilang plano, halos alas dyes na ng gabi pero wala pa din nangyayari.
Claire: Guyz, snack muna kayo oh.
Ezekiel: Uy salamat! Kanina pa nga ako nagugutom eh.
Nina: Salamat Claire :D
Tapos na kumain ang magkakaibigan na parang nakaranas silang lahat ng pagkahilo, lahat sila, nawalan ng malay.
Nagising
si Nina, sa sobrang lansa ng amoy na naaamoy nya, hindi sya makapag
salita, maraming dugo ang nasa katawan nya, ang kanyang damit, PARANG
ISANG BANGUGOT!!! Gusto nyang sumigaw ngunit nakaramdam siya ng
matinding sakit mula sa kanyang bibig. Nakatahi ito gamit ang makakapal
na sinulid.
Isa isa naring gumising ang mga kabarkada nya, lahat
sila ay gustong sumigaw ngunit lahat din sila ay mga nakatahi ang mga
bibig, nagwawala na ang mga babae. Nakatali silang lahat at hindi
makatayo o makalakad. Takot na takot si Nina, tinignan nya ang kanyang
mga kaibigang lumuluha at duguan. WALA SI CLAIRE, KRISTINE AT EZEKIEL!
Hindi makita ni Nina si Claire at Ezekiel, naisip nyang mga patay na ito
dahil sa sibrang takot ng mga ito sa dugo. Lumuha ng lumuha ang mga
mata ng magbabarkada nang...
Claire: Good morning Philippines!
Gising na pala kayo? Kamusta na? aus lang ba kayo?(lalapitan sila
Pauline at hahawakan sa ulo na parang bata)
Takang taka si nina, parang wala sa sarili si Claire, para syang baliw sa kanyang itsura.
Claire:
Yan kasi, o ano Pauline, Rosemary? Sino na ang mas nakakaawa sa atin
ngayon? Naaalala nyo ba noong pinahiya nyo ako sa labas ng gate isang
taon na ang nakakalipas? Hiyang hiya ako noon, pero anong ginawa nyo?
Pinagtawanan nyo pa ako at pinahiya sa maraming tao! Pauline, di ba ikaw
ang pumunit sa damit ko(grabe na ang iyak ng dalawang babae) wala na
akong naitago sa buong school dahil sa ginawa nyo!(biglang tutusukin ng
karayom ang dulo ng mga nakataling daliri ni Pauline) nakakaawa ka
naman, gusto mo tapusin na natin?(bubuhatin ni Claire si Pauline at
itatapon sa sahig at sasakyan sa legs nito) tignan nga natin ang skill
ko sa pag opera! Hoy Nathan! Panuorin mo ako!!(hihiwain ni Claire ang
Tiyan ni Pauline, napaka lakas ng tunog na ginagawa ng babae, isa isang
hinahalukay ni Claire ang laman loob ni Pauline) Nathan! Di ba eto yung
liver!? Eto naman yung Large at small intestines! Ay! Teka teka, tignan
mo oh ang Cute cute naman nito, Nathan! Eto ung tunay na puso diba?
Hahahahhahahahahahaha
Grabe ang hinagpis ng magbabarkada sa nasasaksihan nila, Patay na si Pauline.
Claire:
Honey my love so sweet RYAAAANNNNN!!! Diba eto si Rosemary mo? ang
ganda nya ano? Tangalin ko nga ang muha nya kung maganda talaga(hiniwa
ni Claire ang muka ni Rosemary na para bang nagtatangal ng balat ng
prutas) hahahaha... ay, ang pangit nya pala. Dito mo pala ako Pinagpalit
Ryan! Nakakainis ka! (sabay tinaga ang ulo ni Rosemary at tumalsik yon
kay Ryan)
Ezekiel: Sis, ano ka ba, ang kalat mo naman! Linisin mo yan mamaya ha.
Claire:
opo kuya! Haha.. nga pala kuya, sayo nalang yan si honey my love so
SWEeet ko... kaw na bahala, pagod na kasi ako, tinatamad na akong
tadtarin yan, dapat kasi dun palang sa kotse ginawa ko na.
Ezekiel: salamat! Ako na bahala dito.
Ezekiel:
o, Ryan, kamusta na?(sabay suntok) masarap ba? Masarap ba ang tagumpay
ng hindi dapat sayo? WALANGHIYA KA PARE! KINUHA MO ANG RESEARCH KO!
^*&^%$! At sinaktan mo kapatid ko! Tignan nga natin ang nasa loob
ng utak mo (sabay pukpok ng malaking pako sa ulo ni Ryan, na para bang
binubuksan ito, patay na din si Ryan, labas ang utak nito) o, CAloy,
Anton! Langya mga dre, nandito pala kayo? Mga gago kayo, pati kapatid ko
binastos nyo, pwes ngayon, isasama ko na kayo dun sa dalawa nyong
magaling na kaibigan( pinalo ng upuan ni Ezekiel ang dalawa at kinuha
ang extension wire para kuryentihin ang dalawa, patay na sila Caloy at
Ryan, naluto sa lakas ng kuryente).
Zeke: o Nina, kamusta na?
gusto mo na bang sumunod? Ikaw kasi, napaka inggitera mo, akala mo ang
bait bait mo. Eh dahil naman sa pagsipsip mo kay Mrs. Torres kaya hindi
kami nakapsa sa kanya dati. Tapos ngayonng college na tayo, ganun ka
parin, isa kang traydor na kaibigan! Dati pa, gandang ganda na ako sa
mga mata mo,akin nalang pwede?(kikiling si Nina) wala ka nang magagawa,
akin na to!( Sabay dukot sa mata ni Nina pinilit kunin ni Claire ang mga
mata ng kaibigan. Sobra sobra ang hinagpis ni Nina) yan kasi, kung
mabubuting tao lang sana kayo, edi sana, mabubuti din kami sainyo,
Kristine este Joan! Pakihanda nalang nung mga plastik OK tulong nalang
kau ni kuya?
Joan(Kristine): OO,ihahanda ko na. matagal din nating pinagplanuhan to.
Claire:
oo nga pala, kami ni Kua Zeke ang pumatay kay Ma’m T at sa apat na
asungot, panu kasi, magsusumbong pa sana, edi hindi tayo nakapasa?!
Hahahahahahhaa.. madali lang naman magdrama noon, pati noong nasa kwarto
ko tayo, ung nanaghinip DAW ako, hahahahahaha... si Ma’m T? walang hiya
kasi yun, walang rason para ibagsak nya tayo kaya, ginawa na namin yon
ni kuya, kapatid ko si Ezekiel, pinaghiwalay kami ng mga taong katulad
ninyong lahat... mga walang kaluluwa...
nagdilim ang paningin ni Nina...
laking
gulat ng mga tao ng kinaumagahan, ang magkakaibigan ay nakapako sa crus
sa labas ng malaking bahay. walang nakakaalam kung sino ang gumawa ng
patayan, walang nakaka kilala kung sino ang kasama ng magbabarkada...
samantala,
patuloy parin sa buhay ang magkapatid at si Joan, pumupunta sa iba't
ibang lugar at nagpapangap na mga mabubuting tao.
INGAT KA, BAKA KAIBIGAN MO SILA :D